Mang Ondoy, Mang Pepeng!
October 23, 2009Mula ng dumating si Mang Ondoy at sinunundan pa ni Mang Pepeng sa ating bansa ay wala na tayong nakikita sa paligid, naririnig sa radyo, napapanood sa TV at nababasa sa mga dyaryo kundi kung gaano kalaking pinsala ang idinulot ng hagupit ng mga bagyo.
Kasabay niyan, naging bukambibig na din ang Sagip Kapamilya, Kapuso Foundation at maraming pang nagsulputang mga foundation. Minsan pa nga, yung mga paborito nating palabas sa TV ay napapalitan ng mga panood na ineere mula umaga hanggang bago ka matulog.
Ang sa akin lang…
Maraming mga taong hindi man hinagupit ng bagyo ay wala ng matirahan. Wala pa man si Mang Ondoy at Mang Pepeng ay marami na sa mga Pilipino ang walang makain, walang maayos na inumin at palikuran. Marami ng mga mamamayan ang walang hanapbuhay bago pa man nakapinsala ang mga bagyong ito sa ting bansa. Hindi pa man humahagupit ang kalamidad na ito ay marami na sa mga mahihirap ang namamatay sa malnutrisyon at kawalan ng gamot.
Kailang tayo tutulong? kapag binabanggit na ang mga pangalan natin sa mga TV, dyaryo art radyo pag magdodonate tayo?
Nakakapanglula ang mga halaga ng salapi at donasyong nalilikom ng mga Foundation na lagi kong naririnig at napapanood sa TV at alam kong gagamitin ang mga iyon para sa rehabilitasyon… ngunit di ba’t mas mainam na pagtuunan ng pansin ang mga prevention plan para hindi na sana nangyari ang mga bagay na ito at kung mangyari man ay hindi ganito kalaki ang pinsala ang maidudulot ng mga bagyong ito sa atin?
Sa opisina nga namin, may naka post: You are Required to Donate! Ano yun? donate pero required?
Hay Pilipino nga naman…as always.
Bawal ang gwapo sa bulok na Mall
June 27, 2009
Bakit kaya ayaw akong papasukin sa mall?
Hay, hindi ko alam kung discrimination tong nangyari sa akin, hindi ba naman ako papasukin sa mall eh bulok lang na mall yun noh!
Actually wala naman talaga akong balak na pumunta ng mall that time. Kagigising ko lang naman at ihahatid ko lang sana ang beb ko sa kanto ng bigla siyang magyaya sa bayan para ipapalit yung mga dollars nya, so sumama na ako kahit na hindi pa ako naliligo at hagard pa.
After namin magpapalit sa isang money changer ay naisipan ni beb na pumunta ng mall dahil may bibilhin lang daw saglit. buti siya hindi kinapkapan pero ako minolestya,hehehehe. then papasok sana kami sa isang bulok na grocery sa loob ng naghihingalong mall na iyon eh ayaw kaming papasukin dahil pinapaiwan pa yung napakaliit lang naman na bag. Sa takot siguro nilang ipasok namin yung buong bulok na grocery na iyon sa maliit na bag, eh syempre wala din naman kaming tiwala sa bagger so hindi na lang kami tumuloy sa mol-molan na yun.
Bakit ganun? kung alin na yung bulok na mall yun pa ang saksakan ng arte. Dati nga nakakapaglakad pa ako sa Shangrila ng walang tsinelas.
By the way itatayo naman na ang SM Tarlac, tignan ko lang kung hindi tulayang maging aybolan ng mga kolboy at mga bakla ang bulok na mall na yun.
Yun lang naman,hehehe.

Biyaheng Bus
Nasa loob kami ng bus,hindi lang halata, hehehe.Ewan ko ba kung bakit gusto kong sumakay sa kakarag-karag na bus! Ooopss, bago pa mapunta sa kung saan ang isip nyo, hindi po bastos ang kakarag-karag, yun po yung term na ginagamit sa lumang bus na uuga-uga, na sa di malamang dahilan ay tabingi yung katawan pag-umaandar.
Balik tayo sa kwento.
Gustong-gusto kong sumakay sa kakarag-karag na mini bus dahil sa excitement na dala nito sa akin pag pagewang-gewang siya. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako lalo na kung may kasama pa siyang stereo na ang ang amplifier ay nasa ilalim ng upuan mo. Mas gusto ko din yung sariwang hanging pumapasok sa mga bintana nito dahil karamihan sa mga lumang mini bus ay walang mga takip o saraduhan ang mga bintana. Ang pagkakaalam ko ay dito natutong mag stunt ang mga stuntmen, hehehe.
Solve na solve din ang biyahe mo dito dahil halos lahat ng kailangan mo ay nandito, mag nagtitinda ng mani na puro vetsin, mineral water na lasang buko, at C2 na lasang kape. Dito sa aming probinsya, hindi ka maiinip kahit na walang TV o stereo ang mga mini-bus dahil sa mga magagandang tanawing bubusog sa iyong mga paningin, idagdag pa natin ang mga ilang mababasa mo sa mga likod ng sandalan ng upuang kaharap mo:
Cuteguy Love Angel16
Wanted sexmate, text me at 0917*******
Akala mo ang ganda mo! Look at yur self first then see!
Actually marami ang mga iyan, hindi mo nga lang magawang magpalipat-lipat ng upuan dahil baka tumilapon ka sa bintana!
Bilib din naman ako sa mga konduktor na ang lakas ng memorya! Naalala ko tuloy noong nagbayad ako ng P50, sinuklian ba naman ako ng P75! hehehehe.
Wala akong alam sa history ng mga bus pero kung sino man ang nakaimbento nito ay bilib-na bilib ako. Para sa mga karaniwang tao, naging bahagi na ng kanilang pang araw-araw na pamumuhay ang mga mini bus na ito gaya nag pagligo sa araw-araw. Sa kabila ng pamamayagpag ng mga naglalakihang mga Bus na ang ilan ay high tech na, patuloy pa din ang pag-arangkada ng mga malalandi, este ng mga pakembot-kembot, este gumegewang na mga bus na ito… at patuloy na maglilingkod at magsasakay sa milyong milyong mamamayan patungo sa biyahe ng kanilang mga buhay.
Bagahe
June 24, 2009 Sabi mo iiwan mo na ang iyong bagahe Dahil malayo-layo pa ang iyong biyahe Kung kelan babalik, wala kang sinabi Gusto mo lang hanapin ang ‘yong sarili Sa mga sulok ng iyong mga ngiti Nakikita ko ang pigil na paghikbi Pano ko ba pipigilan ang pagluha Gayong nakikita kang lalayo na? Nakatakda na ang iyong pagsakay Sa bagwis ng buhay, ikaw ay maglalakbay Minamasdan ko ang iyong pag-kaway Habang ang puso ko ay tila mamatay Kelan mo naman kaya babalikan Ang mga bagaheng iyong iniwan? Maghihintay ako, di ka bibitiwan Nangangarap na isasama na… … sa iyong paroroonan. (photo from google)
Madaling Araw
Pinaka-ayaw kong bahagi ng isang buong araw ay ang madaling araw…bakit?
Ito kasi yung time na pag nagising ka ay gutom na gutom ka…malas mo pa kung walang nakatagong ready to eat sa bahay niyo at wala ding malapit na 7-11 o Ministop. Noong bata pa ako, minsang nagising ako ng madaling araw na gutom na gutom ay sobrang natakot ako. Bago ako natulog that time ay nanood muna ako ng horror movie na werwolves…so ayun feeling ko magiging ganun din ako kaya hindi talaga ako umalis sa higaan ko kahit na gusto kong umihi. Paggising ko, harap kaagad ako sa salamin baka hindi ko namalayan na naging werwolf nga ako hehehe.
Sa totoo lang ito talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko ng madaling araw–ay pag may namimiss kang taong espesyal sa puso mo..paksyet! Pakyset talaga!
Tulad nito madaling araw habang tinatype ko tong walang kwentang kwentong ‘to. May lovelife kasi ako noon and for some reason hindi na kami nagkikita. Madaling araw ng bigla akong nagising at umiiyak…only to realized na sobrang miss ko na talaga yung taong yun at wala akong magawa para makita siya.
Ewan ko ba kung ano ang nagtulak sa akin para makinig pa ng senting kanta, paksyet! Para akong mamamatay sa sakit ng nararamdaman ko. Bumangon at lumabas ako sa boarding house at nagjogging na lang…pero hindi ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko kaya tumakbo ako ng mabilis na mabilis habang lumuluha. In that way, hindi na dadaloy ang luha ko sa pisngi…itatangay na lang ito ng hangin.
Bakit kasi kailangan pang maiwan ng ala-ala? Hindi ba pwedeng maglaho silang dalawa ng sabay?
Pero na-destruct yung emote moment ko nang hindi ko napansin na napadaan ko sa isang bahay na may aso..punyeta! tumatakbo ako para sa kaligtasan! Ikaw ba naman ang habulin ng apat na malalaking aso!
Pagkatapos kong matakasan yung mga asong iyon, humihingal akong napaupo sa gilid ng kalsada malapit sa isang internet cafe…natatawa tuloy ako… ah basta ayaw ko pa din sa madaling araw…
…lalo na pag kailangan mong gumising sa ganitong oras dahil maghahanda ka sa pagpasok sa trabaho.
(photo by google image)
pengeng barya
June 23, 2009Heto na naman ako at walang magawa sa office kaya naisipan kong dalawin ang sarili kong blog ( anyway ako pa lang pala ang bumisita dito mula ng gawin ko tong blogsite na to).
Habang nakasakay ako sa tricycle kasama yung (ahem, di ko na sasabihin) ay nagulat ako dahil biglang may kumalabit sa tuhod ko. Ewan ko, hindi naman bago sa akin paningin ‘tong mga pulubi kuno na naglipana dito sa kahabaan ng kalye pero hindi sila nabibigong gulatin ako and take note, it takes few seconds bago ako bumalik sa sarili kong pagkatao dahil may aftershock pa pagnakita ko mga mukha nila.
Naalala ko minsan, habang bumibili ako sa Mercury ng gamot ay may nakatabi sa akin taong grasang lalake. Mukha naman siyang matino pero lintakin mo ba namang bigla na lang niyang bunutin yung malaking baston niya at akmang ipapalo sa akin! Syempre gulat ako at napatakbo ng di oras. Actually yun ang dahilan kaya hindi maalis-alis sa akin ang maging magugulatin sa mga kalabit at biglang kilos ng mga taong ‘to. Kumbaga, na-truama.
Balik tayo dun sa batang lalaki na kumalabit sa akin. Ayun nga humihingi siya ng barya. Sa totoo lang meron ako, kaya lang parang nakakatamad humugot sa bulsa lalo na’t sa tangkad kong tao at liit ng tricycle ay para talaga akong nag-aacrobat sa posisyon ko sa loob ng tricycle kaya extra effort pa ang bumunot ng barya sa maong kong pantalon na malalim ang bulsa. Hindi naman sa nagdadamot ako pero habang uhaw na uhaw ako sa init ng panahon at pinagpapawisan ng malagkit ay parang gusto ko tuloy hingin yung Zagu na iniinom ng pulubing iyon, and take note again, may dala pa siyang cake at ang daming barya ng lalagyan niya ha and hindi ko pa alam kung ano ang laman ng bag niya na sa palagay ko ay sobrang bigat na nag laman.
Sa totoo lang, may nabasa ako dati na kumikita daw ang mga pulubing ito ng higit na malaki kaysa sa normal na empleyado. Gusto kong maniwala dahil isipin mo na lang, kung 1000 tao ang daraan sa balwarte nila at magbibigay yun ng tig-pipiso, eh di 1000 piso na ang kita nila sa isang araw! Minsang bumibili ako sa Mercury ( ng vitamins, ano ako sakitin?) ay may isang pulubing nagpapabuo ng sandamukal na barya! And would you believe na yung regular customer sa isang restaurant na lagi kong…….tinatambayan, ay pulubi din na laging gabi nagwo-walk in at nagtatake-out ng di bababa sa 500 bawat order nya as in halos araw-araw.
Hindi naman talaga ako madamot. Noong minsang napadaan ako sa kalye malapit sa school na pinapasukan ko dati eh naawa ako sa mga Aeta.Pag-uwi ko sa bahay ay inipon ko lahat ng mga damit na hindi na namin nagagamit and on the following day ay iniaabot ko sa kanila yung mga damit na iyon sa bintana ng jeep habang nakasakay ako.
Yun ang mga taong talagang dapat tulungan dahil fate na nila iyon na maging katutubo at napagkaitan ng makabagong pamumuhay at napag-iwanan na ng lipunang minsan nilang sinimulan. Pero ang hindi ko matanggap ay ang ilan nating mamayan na malalakas pa ang katawan ay pinili nilang gawing hanapbuhay ang manghingi at bitbit pa ang kanilang mga anak na ang iba ay halos kapapanganak pa lamang upang kaawaan ng mga taong nagdaraan kahit na masunong na yung bata sa sikat ng araw at pagpiyestahan na ng mga langaw sa dungis.
So yan na muna hehehe. medyo tamad na akong magtype. visit my friendster account: leo_bacnis@yahoo.com….muah!
(photo from google)
Alak
April 13, 2009(me with one of my friend during lister night of sixcyclemind at Timog)
Kwentong alak muna tayo….
Alak… dahilan ng away sa kanto. Naaalala ko pa yung dati naming bahay sa isang subdivison. Hindi normal ang gabi pag di ka nabubulabog ng mga kabataang nagsisigawan dahil nakainom at hindi normal ang umaga pag wala kang mawawalis na basag-bagsag na bote ng mga alak dahil sa riot.
Alak… simula ng maBoteng usapan ika nga. Ewan ko ba kung bakit mas sumasarap daw ang kwentohan sa sapi ng mga nakakahilong inuming ito. Ganun pa man, ang lasa ng alak ay parang pagkakaibigan din eh… sa una mapait pero pag tumatagal nagiging swabe ang samahan.
Alak…takbuhan pag may problema. Sabi nga nila, duwag daw ang taong humaharap sa alak upang talikuran ang problema. Pero sa akin, hindi naman lahat ng tao ng umiinom nito ay duwag. Maaaring nagpapalakas lang ito ng loob o di kaya ay nagpapahinga lang upang kahit papaano ay makalimot sa problema. Hindi naman habang buhay lang natin tatawanan ang problema dahil napapagod din tayo.
Madami pang kwento sa alak… kwento ng mag-asawang naghihiwalay, kwento ng utang sa tindahang hindi mabayaran, kwento ng mga torpeng nagpapalakas ng loob ( may kilala akong ganun)..etc.
Bago matapos tong walang kwentang kwentong alak na ito, yung laman ng baso namin sa picture, ice tea lang yun.
Tsinelas
Luma man at puno ng gasgas Ang suot mong tsinelas Puso ko’y puno ng galak Sapagkat pag-ibig mo’y wagas Kung sa tingin mo ika’y napahiya Sapagkat ika’y halos magpaa Nang huli kang magpunta Upang ako ay iyong makita Nais kong sabihin Di ko mapigilan aking damdamin Na sa iyo ay lalong humanga At mapaibig sa iyo ng lubha Twing nakikita ko Ang lumang suot mo Ay naaalala ko Lahat ng iyong sakripisyo Balang araw tsinelas moy wala na Ngunit di ang pag-ibig kong Iyong iyo na noong una pa Hayaan mong iakay kita Sa wagas na ligaya at sasamahan pa kahit saan man mapunta! (photo from google)
Alanganin
April 12, 2009
Ang buhay ay pasikot-sikot at hindi malaman kung saan tutungo.
Noong bata pa ako, para sa akin ang buhay ay isang laro lamang. Ngunit habang lumalaki ako ay unti-unti kong natuklasan ang hiwaga ng buhay. Unti unting naghubad sa akin ang katotohanan- na ang ulap ay hindi cotton candy, na ang rainbow ay hindi padulasan, na ang mga bituin ay nagliliyab na bato… na ang buhay ay puno ng alanganin.
Minsan kahit na sa simpleng mga tanong ay may alanganin pa din na humahati sa ating katauhan…lalaki ka ba o bakla?
May nagpayo sa akin dati… sabi nya dapat alamin ko kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay at dapat gumawa ng plano para dito. Kumbaga dapat may mapa, para hindi ako mawala sa sanga-sangang daan ng buhay.
Akala ko OK na yun…pero hindi pala, dahil nagbabago ang lahat..minsan kung ano ang pinapangarap mo, yun ang hindi nagyayari at kung ano ang mahirap unawain iyon ang nagiging kapalaran mo.
Kahit anong mangyari, tuloy lang ang buhay… di ka naman nag-iisa sa ganitong sitwasyon… tibayin lang ang loob para kung saan ka man masadlak, laging may lakas para magsimula uli…
(image from google)







.jpg)



