Alak
April 13, 2009(me with one of my friend during lister night of sixcyclemind at Timog)
Kwentong alak muna tayo….
Alak… dahilan ng away sa kanto. Naaalala ko pa yung dati naming bahay sa isang subdivison. Hindi normal ang gabi pag di ka nabubulabog ng mga kabataang nagsisigawan dahil nakainom at hindi normal ang umaga pag wala kang mawawalis na basag-bagsag na bote ng mga alak dahil sa riot.
Alak… simula ng maBoteng usapan ika nga. Ewan ko ba kung bakit mas sumasarap daw ang kwentohan sa sapi ng mga nakakahilong inuming ito. Ganun pa man, ang lasa ng alak ay parang pagkakaibigan din eh… sa una mapait pero pag tumatagal nagiging swabe ang samahan.
Alak…takbuhan pag may problema. Sabi nga nila, duwag daw ang taong humaharap sa alak upang talikuran ang problema. Pero sa akin, hindi naman lahat ng tao ng umiinom nito ay duwag. Maaaring nagpapalakas lang ito ng loob o di kaya ay nagpapahinga lang upang kahit papaano ay makalimot sa problema. Hindi naman habang buhay lang natin tatawanan ang problema dahil napapagod din tayo.
Madami pang kwento sa alak… kwento ng mag-asawang naghihiwalay, kwento ng utang sa tindahang hindi mabayaran, kwento ng mga torpeng nagpapalakas ng loob ( may kilala akong ganun)..etc.
Bago matapos tong walang kwentang kwentong alak na ito, yung laman ng baso namin sa picture, ice tea lang yun.
Tsinelas
Luma man at puno ng gasgas Ang suot mong tsinelas Puso ko’y puno ng galak Sapagkat pag-ibig mo’y wagas Kung sa tingin mo ika’y napahiya Sapagkat ika’y halos magpaa Nang huli kang magpunta Upang ako ay iyong makita Nais kong sabihin Di ko mapigilan aking damdamin Na sa iyo ay lalong humanga At mapaibig sa iyo ng lubha Twing nakikita ko Ang lumang suot mo Ay naaalala ko Lahat ng iyong sakripisyo Balang araw tsinelas moy wala na Ngunit di ang pag-ibig kong Iyong iyo na noong una pa Hayaan mong iakay kita Sa wagas na ligaya at sasamahan pa kahit saan man mapunta! (photo from google)
Alanganin
April 12, 2009
Ang buhay ay pasikot-sikot at hindi malaman kung saan tutungo.
Noong bata pa ako, para sa akin ang buhay ay isang laro lamang. Ngunit habang lumalaki ako ay unti-unti kong natuklasan ang hiwaga ng buhay. Unti unting naghubad sa akin ang katotohanan- na ang ulap ay hindi cotton candy, na ang rainbow ay hindi padulasan, na ang mga bituin ay nagliliyab na bato… na ang buhay ay puno ng alanganin.
Minsan kahit na sa simpleng mga tanong ay may alanganin pa din na humahati sa ating katauhan…lalaki ka ba o bakla?
May nagpayo sa akin dati… sabi nya dapat alamin ko kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay at dapat gumawa ng plano para dito. Kumbaga dapat may mapa, para hindi ako mawala sa sanga-sangang daan ng buhay.
Akala ko OK na yun…pero hindi pala, dahil nagbabago ang lahat..minsan kung ano ang pinapangarap mo, yun ang hindi nagyayari at kung ano ang mahirap unawain iyon ang nagiging kapalaran mo.
Kahit anong mangyari, tuloy lang ang buhay… di ka naman nag-iisa sa ganitong sitwasyon… tibayin lang ang loob para kung saan ka man masadlak, laging may lakas para magsimula uli…
(image from google)





