pengeng barya
June 23, 2009Heto na naman ako at walang magawa sa office kaya naisipan kong dalawin ang sarili kong blog ( anyway ako pa lang pala ang bumisita dito mula ng gawin ko tong blogsite na to).
Habang nakasakay ako sa tricycle kasama yung (ahem, di ko na sasabihin) ay nagulat ako dahil biglang may kumalabit sa tuhod ko. Ewan ko, hindi naman bago sa akin paningin ‘tong mga pulubi kuno na naglipana dito sa kahabaan ng kalye pero hindi sila nabibigong gulatin ako and take note, it takes few seconds bago ako bumalik sa sarili kong pagkatao dahil may aftershock pa pagnakita ko mga mukha nila.
Naalala ko minsan, habang bumibili ako sa Mercury ng gamot ay may nakatabi sa akin taong grasang lalake. Mukha naman siyang matino pero lintakin mo ba namang bigla na lang niyang bunutin yung malaking baston niya at akmang ipapalo sa akin! Syempre gulat ako at napatakbo ng di oras. Actually yun ang dahilan kaya hindi maalis-alis sa akin ang maging magugulatin sa mga kalabit at biglang kilos ng mga taong ‘to. Kumbaga, na-truama.
Balik tayo dun sa batang lalaki na kumalabit sa akin. Ayun nga humihingi siya ng barya. Sa totoo lang meron ako, kaya lang parang nakakatamad humugot sa bulsa lalo na’t sa tangkad kong tao at liit ng tricycle ay para talaga akong nag-aacrobat sa posisyon ko sa loob ng tricycle kaya extra effort pa ang bumunot ng barya sa maong kong pantalon na malalim ang bulsa. Hindi naman sa nagdadamot ako pero habang uhaw na uhaw ako sa init ng panahon at pinagpapawisan ng malagkit ay parang gusto ko tuloy hingin yung Zagu na iniinom ng pulubing iyon, and take note again, may dala pa siyang cake at ang daming barya ng lalagyan niya ha and hindi ko pa alam kung ano ang laman ng bag niya na sa palagay ko ay sobrang bigat na nag laman.
Sa totoo lang, may nabasa ako dati na kumikita daw ang mga pulubing ito ng higit na malaki kaysa sa normal na empleyado. Gusto kong maniwala dahil isipin mo na lang, kung 1000 tao ang daraan sa balwarte nila at magbibigay yun ng tig-pipiso, eh di 1000 piso na ang kita nila sa isang araw! Minsang bumibili ako sa Mercury ( ng vitamins, ano ako sakitin?) ay may isang pulubing nagpapabuo ng sandamukal na barya! And would you believe na yung regular customer sa isang restaurant na lagi kong…….tinatambayan, ay pulubi din na laging gabi nagwo-walk in at nagtatake-out ng di bababa sa 500 bawat order nya as in halos araw-araw.
Hindi naman talaga ako madamot. Noong minsang napadaan ako sa kalye malapit sa school na pinapasukan ko dati eh naawa ako sa mga Aeta.Pag-uwi ko sa bahay ay inipon ko lahat ng mga damit na hindi na namin nagagamit and on the following day ay iniaabot ko sa kanila yung mga damit na iyon sa bintana ng jeep habang nakasakay ako.
Yun ang mga taong talagang dapat tulungan dahil fate na nila iyon na maging katutubo at napagkaitan ng makabagong pamumuhay at napag-iwanan na ng lipunang minsan nilang sinimulan. Pero ang hindi ko matanggap ay ang ilan nating mamayan na malalakas pa ang katawan ay pinili nilang gawing hanapbuhay ang manghingi at bitbit pa ang kanilang mga anak na ang iba ay halos kapapanganak pa lamang upang kaawaan ng mga taong nagdaraan kahit na masunong na yung bata sa sikat ng araw at pagpiyestahan na ng mga langaw sa dungis.
So yan na muna hehehe. medyo tamad na akong magtype. visit my friendster account: leo_bacnis@yahoo.com….muah!
(photo from google)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


.jpg)
