• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Paliparan

mula sa sulok ng damdamin, isa isang nagliparan ang bawat salita, matiyagang pinagdugtong-dugtong hanggang mabuo ang diwang matagal ng gustong lumaya.

Home » Post Item » Biyaheng Bus

Biyaheng Bus

June 27, 2009

sa bus ksma ka.jpgIMG0013A.jpg

Nasa loob kami ng bus,hindi lang halata, hehehe.

Ewan ko ba kung bakit gusto kong sumakay sa kakarag-karag na bus! Ooopss, bago pa mapunta sa kung saan ang isip nyo, hindi po bastos ang kakarag-karag, yun po yung term na ginagamit sa lumang bus na uuga-uga, na sa di malamang dahilan ay tabingi yung katawan pag-umaandar.

Balik tayo sa kwento.

Gustong-gusto kong sumakay sa kakarag-karag na mini bus dahil sa excitement na dala nito sa akin pag pagewang-gewang siya. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako lalo na kung may kasama pa siyang stereo na ang ang amplifier ay nasa ilalim ng upuan mo. Mas gusto ko din yung sariwang hanging pumapasok sa mga bintana nito dahil karamihan sa mga lumang mini bus ay walang mga takip o saraduhan ang mga bintana. Ang pagkakaalam ko ay dito natutong mag stunt ang mga stuntmen, hehehe.

Solve na solve din ang biyahe mo dito dahil halos lahat ng kailangan mo ay nandito, mag nagtitinda ng mani na puro vetsin, mineral water na lasang buko, at C2 na lasang kape. Dito sa aming probinsya, hindi ka maiinip kahit na walang TV o stereo ang mga mini-bus dahil sa mga magagandang tanawing bubusog sa iyong mga paningin, idagdag pa natin ang mga ilang mababasa mo sa mga likod ng sandalan ng upuang kaharap mo:

Cuteguy Love Angel16

Wanted sexmate, text me at 0917*******

Akala mo ang ganda mo! Look at yur self first then see!

Actually marami ang mga iyan, hindi mo nga lang magawang magpalipat-lipat ng upuan dahil baka tumilapon ka sa bintana!

Bilib din naman ako sa mga konduktor na ang lakas ng memorya! Naalala ko tuloy noong nagbayad ako ng P50, sinuklian ba naman ako ng P75! hehehehe.

Wala akong alam sa history ng mga bus pero kung sino man ang nakaimbento nito ay bilib-na bilib ako. Para sa mga karaniwang tao, naging bahagi na ng kanilang pang araw-araw na pamumuhay ang mga mini bus na ito gaya nag pagligo sa araw-araw. Sa kabila ng pamamayagpag ng mga naglalakihang mga Bus na ang ilan ay high tech na, patuloy pa din ang pag-arangkada ng mga malalandi, este ng mga pakembot-kembot, este gumegewang na mga bus na ito… at patuloy na maglilingkod at magsasakay sa milyong milyong mamamayan patungo sa biyahe ng kanilang mga buhay.

bus
Posted by happyfeelings at 2:44 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

     

June 2009
M T W T F S S
« Apr   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Email

Monthly Archives

  • October 2009
  • June 2009
  • April 2009

Latest Items

  • Mang Ondoy, Mang Pepeng!
  • Bawal ang gwapo sa bulok na Mall
  • Biyaheng Bus
  • Bagahe
  • Madaling Araw

Most Popular

  • Bawal ang gwapo sa bulok na Mall (157)
  • Mang Ondoy, Mang Pepeng! (156)
  • Alak (124)
  • Alanganin (119)
  • Madaling Araw (107)

    

Shout Out

yildizname:

nice blog

sakura_ennaira_neY:

kelangan b URL?,…hi leo mhal ku!!!amezzzzYu,..hmmm d n paramdam ih sa smart,…
uhmmm mukhang bading n bading site ah,…happy feelings tsk tsk,..peu mhal p dn kita kht gnun mwahhhhhhh mahhh nyahahah sna d n kuh mahirapan magbasa nun code n magulo sa baba tsk tsk let hay

happyfeelings:

hehehe, thanks arlene! love mo talaga ako eh, pati dito binobola mo ko.

arlene zepeda:

oh!ayan may nag visit na sa site mo…hehehehe….galing ang ganda ng MADALING ARAW…

Leave a message ▼