• Live Help
  • Forums
  • Help
  • Search
News:

Loading page...

  • Login
  • Signup
  • Blog
  • Photos

Paliparan

mula sa sulok ng damdamin, isa isang nagliparan ang bawat salita, matiyagang pinagdugtong-dugtong hanggang mabuo ang diwang matagal ng gustong lumaya.

Home » Post Item » Mang Ondoy, Mang Pepeng!

Mang Ondoy, Mang Pepeng!

October 23, 2009

Mula ng dumating si Mang Ondoy at sinunundan pa ni Mang Pepeng sa ating bansa ay wala na tayong nakikita sa paligid, naririnig sa radyo, napapanood sa TV at nababasa sa mga dyaryo kundi kung gaano kalaking pinsala ang idinulot ng hagupit ng mga bagyo.

Kasabay niyan, naging bukambibig na din ang Sagip Kapamilya, Kapuso Foundation at maraming pang nagsulputang mga foundation. Minsan pa nga, yung mga paborito nating palabas sa TV ay napapalitan ng mga panood na ineere mula umaga hanggang bago ka matulog.

Ang sa akin lang…

Maraming mga taong hindi man hinagupit ng bagyo ay wala ng matirahan. Wala pa man si Mang Ondoy at Mang Pepeng ay marami na sa mga Pilipino ang walang makain, walang maayos na inumin at palikuran. Marami ng mga mamamayan ang walang hanapbuhay bago pa man nakapinsala ang mga bagyong ito sa ting bansa. Hindi pa man humahagupit ang kalamidad na ito ay marami na sa mga mahihirap ang namamatay sa malnutrisyon at kawalan ng gamot.

Kailang tayo tutulong? kapag binabanggit na ang mga pangalan natin sa mga TV, dyaryo art radyo pag magdodonate tayo?

Nakakapanglula ang mga halaga ng salapi at donasyong nalilikom ng mga Foundation na lagi kong naririnig at napapanood sa TV at alam kong gagamitin ang mga iyon para sa rehabilitasyon… ngunit di ba’t mas mainam na pagtuunan ng pansin ang mga prevention plan para hindi na sana nangyari ang mga bagay na ito at kung mangyari man ay hindi ganito kalaki ang pinsala ang maidudulot ng mga bagyong ito sa atin?

Sa opisina nga namin, may naka post: You are Required to Donate! Ano yun? donate pero required?

Hay Pilipino nga naman…as always.

 

bagyong ondoy bagyong pepeng
Posted by happyfeelings at 1:15 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








 
 

Search

     

October 2009
M T W T F S S
« Jun    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Email

Monthly Archives

  • October 2009
  • June 2009
  • April 2009

Latest Items

  • Mang Ondoy, Mang Pepeng!
  • Bawal ang gwapo sa bulok na Mall
  • Biyaheng Bus
  • Bagahe
  • Madaling Araw

Most Popular

  • Bawal ang gwapo sa bulok na Mall (157)
  • Mang Ondoy, Mang Pepeng! (156)
  • Alak (124)
  • Alanganin (119)
  • Madaling Araw (108)

    

Shout Out

yildizname:

nice blog

sakura_ennaira_neY:

kelangan b URL?,…hi leo mhal ku!!!amezzzzYu,..hmmm d n paramdam ih sa smart,…
uhmmm mukhang bading n bading site ah,…happy feelings tsk tsk,..peu mhal p dn kita kht gnun mwahhhhhhh mahhh nyahahah sna d n kuh mahirapan magbasa nun code n magulo sa baba tsk tsk let hay

happyfeelings:

hehehe, thanks arlene! love mo talaga ako eh, pati dito binobola mo ko.

arlene zepeda:

oh!ayan may nag visit na sa site mo…hehehehe….galing ang ganda ng MADALING ARAW…

Leave a message ▼