Tsinelas
April 13, 2009 Luma man at puno ng gasgas Ang suot mong tsinelas Puso ko’y puno ng galak Sapagkat pag-ibig mo’y wagas Kung sa tingin mo ika’y napahiya Sapagkat ika’y halos magpaa Nang huli kang magpunta Upang ako ay iyong makita Nais kong sabihin Di ko mapigilan aking damdamin Na sa iyo ay lalong humanga At mapaibig sa iyo ng lubha Twing nakikita ko Ang lumang suot mo Ay naaalala ko Lahat ng iyong sakripisyo Balang araw tsinelas moy wala na Ngunit di ang pag-ibig kong Iyong iyo na noong una pa Hayaan mong iakay kita Sa wagas na ligaya at sasamahan pa kahit saan man mapunta! (photo from google)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



